- Nangako ang Bybit na magtatanim at magpapalaki ng 100,000 namumungang prutas sa India sa pamamagitan ng pakikipagtulungan nito sa One Tree Planted
- Kinikilala ng Bybit ang kahalagahan ng pagbibigay pabalik at responsibilidad sa mga darating na henerasyon sa pagtatatag ng sustainable na hinaharap
- Sinusuportahan ng inisyatibang ito ang mga mahihirap na komunidad sa India — sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga sustainable na hanapbuhay at masusustansiyang pagkain sa mga bulnerableng pamilya
NEW DELHI, INDIA - Media OutReach - Peb. 14, 2022 - Nangako ang Bybit, isa sa pinakamabilis na lumalagong cryptocurrency exchange sa buong mundo, na magtatanim at magpapalaki ito ng 100,000 namumungang puno sa kabuuan ng Haryana, Uttar Pradesh, Uttarakhand, Rajasthan, Maharashtra, Odisha at West Bengal sa India, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan nito sa One Tree Planted.
Sa pamamagitan ng pagsuporta sa proyektong "India 2022: Mga Namumungang Puno para Labanan ang Kagutuman", na magaganap mula Peb. 14, 2022 hanggang Nob. 30, 2022, makakatulong ang Bybit sa maliliit na magsasaka sa mahihirap na komunidad, sa pamamagitan ng pagtulong sa mga kalahok na magsasaka na lumikha ng mga sustainable na hanapbuhay at pagbibigay ng masustansiyang pagkain para sa kanilang mga pamilya at komunidad. Nagpapahayag din ang inisyatiba ng mga pangmatagalang layunin na labanan ang polusyon, tipirin ang tubig at pigilan ang pagguho ng lupa.
Tatlong taon matapos itanim, bawat namumungang puno ay makakatulong na lumikha ng kita na $10 kada puno kada taon. Titiyakin ng pangako ang pagpapatupad ng plano para makapagtatag ng tuluy-tuloy na mapagkukunan ng kita para labanan ang kagutuman, malnutrisyon at kahirapan sa mga bulnerableng komunidad sa kanayunan. Lilikha rin ang proyekto ng mga oportunidad sa trabaho para sa mga lokal na kababaihan sa mga nursery ng puno para maibsan ang kawalan ng pagkakapantay sa mga kasarian sa mga maralitang grupo.
Magtatayo ang One Tree Planted ng bagong malakihang nursery ng puno sa Mirzapur ngayong taon para mabawasan ang pangangailangan para sa transportasyon ng mga sapling (na makakatipid sa gastos at magbabawas ng emisyon ng karbon), at makakapagpabuti ng kalidad ng mga sapling sapagkat makakaakma ang mga ito sa lokal na kalagayan. Ang mga nursery na ito ay kukuha ng lokal na puwersa ng paggawa na bubuuin ng mga balo at matatandang kababaihan, na kumakaharap sa maraming kawalan ng pagkakapantay-pantay sa mga maralitang komunidad.
Nakikiisa ang Bybit sa malalim na hangarin ng One Tree Planted para sa mas berdeng kinabukasan. Dagdag sa mga pang-ekonomiyang pakinabang sa mga lokal na komunidad, magpapasimula ang proyekto ng programang "plastic-free nursery", kung saan papalitan ng tangkay ng saluyot at palay para mabawasan ang tone-toneladang basurang plastic. Magsisimula ito sa pagsubok sa maliit na bahagi ng mga puno sa 2022, at palalawakin pa sa mga darating na taon. Mula 2017, sinusuportahan na ng One Tree Planted ang proyektong ito kasama ng lokal na katuwang nitong Sustainable Green Initiative. Magkasama silang nakapagtanim ng 3.5 milyong namumungang puno sa buong India hanggang kasalukuyan. Nakapagpatubo na ang One Tree Planted ng mahigit 40 milyong puno sa 42 bansa mula noong 2014.
"Habang nagpapalawak ang Bybit sa buong mundo, kinikilala namin ang kahalagahan ng pagbibigay pabalik sa mas malawak na lipunan at ang aming responsibilidad na tiyaking magkakaroon ng oportunidad ang mga darating na henerasyon na makaranas ng sustainable na kinabukasan. Malapit sa aming mga puso ang mga usapin ng sustainability at kawalan ng pagkakapantay-pantay, kaya sinusuportahan namin ang mga organisasyong tulad ng One Tree Planted na nagbubuo ng mga solusyong pakikinabangan ng milyun-milyon sa mga darating na taon," ani Igneus Terrenus, Pinuno ng Komunikasyon sa Bybit.
"Pinahahagalahan namin ang suporta ng Bybit, at lahat ng dakilang gawain na magagampanan namin bilang resulta ng pagtutulungang ito. Sa pamamagitan ng inisyatibang Fruit Trees to Fight Hunger, makakapagtanim tayo ng mas maraming puno para suportahan ang mga mamamayan, komunidad, at ang biodiversity sa India," ani Ashley Lamontagne, Tagapamahala ng Kampanya sa Kagubatan.
The issuer is solely responsible for the content of this announcement.